49
Bureau of Immigration
Dec 27, 2017 @ 17:03
By

Iranians na nagtangkang pumuslit ng Pinas, biktima ng sindikato – BI

Isa umanong international trafficking syndicate ang nasa likod ng tangkang pagpasok sa bansa ng tatlong Iranian na may bitbit na pekeng Belgian passports.

Sa ulat ni BI Port Operations Division Chief Marc Red Mariñas, ang mga dayuhan ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 noong Disyembre 23 sakay ng Thai Airways mula sa Bangkok.

Agad na pinabalik ng port of origin ang tatlong Iranian na kinabibilangan ng isang babae at dalawa niyang anak.

​“As a result of this incident, we have instructed our immigration officers to be doubly strict in examining the travel papers of arriving foreigners, particularly Middle Eastern nationals who present European passports,” saad ni Mariñas.

Natuklasan ang tangkang human smuggling nang pagdudahan ng mga BI officer ang iprinisinta ng mga dayuhan na Belgian passports.

Agad silang isinailalim sa secondary inspection ng BI travel control and enforcement unit.

Sa pagtatanong sa mga pasahero, hindi nila maipaliwanag ang kanilang travel itinerary o ang layunin ng kanilang pagtungo sa Pilipinas.

Ang kanila namang Belgian passport ay ipina-inspeksyon sa BI anti-fraud section na nagpalabas naman ng certification na ang kanilang pasaporte ay peke. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?