Iran-Iraq border niyanig ng lindol, 135 patay

Sharing is caring!

Tinatayang 135 ang namatay habang daan ang sugatan sa lindol na tumama sa border ng Iran at Iraq na nagdulot din ng landslides.

Inaasahan umanong tataas pa ang bilang nito sa mga susunod na araw.

Ayon sa US Geological Survey, ang 7.3 magnitude na lindol ay tumama sa 30 kilometro ng timog-kanluran ng Halabja sa Iraqi Kurdistan dakong alas-9:20 ng gabi ng Linggo.

Sa AFP News, sinabi ni Iran’s emergency services chief Pir Hossein Koolivand, nahirapan sila sa pagsaklolo dahil nabiyak ang daanan sa lugar at nagkaroon pa ng landslide.

Higit na nadisgrasya sa lindol ay ang bayan ng Qasr-e Shirin sa Kermanshah at Azgaleh.
Naramdaman ang lindol na tumagal ng 20 segundo sa Baghdad, at mas mahaba ang itinagal nito sa ibang probinsiya ng Iraq.

Taong 1990, isang 7.4 magnitude na lindol na rin ang tumama sa Caspian sea sa Iran na kumitil ng 40,000 katao at nag-iwan ng 300,000 na sugatan.

Kalahating milyon din ang nawalan ng matitirahan sa segundo lang na tinagal ng lindol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?