388

Sep 8, 2019 @ 22:54

Iran ‘di kinaya! Gilas bokya sa World Cup

Uuwi ang Gilas Pilipinas na walang naitalang panalo tapos malasap ang ikalimang sunod na kabiguan sa kamay ng karibal na Iran, 95-75, sa pagtatapos ng kampanya nito sa classification round ng 18th FIBA World Cup sa Beijing Wukesong Sports Center sa China Linggo ng gabi.

Ibinuhos ng Iran ang anim na sunod na puntos sa pagsisimula ng laro sa naging mahigpitan na unang yugto bago unti-unting lumayo sa sumunod na mga bahagi upang tuluyang pauwiin na setlog sa panalo ang PH quintet.

Tinarak ng Iran ang anim na puntos na abante sa opening period, 30-24, bago nito sinundan ng 18-10 atake  sa second quarter at lumayo 48-34 sa halftime.

Nalimitahan pa ang Gilas sa 27-16 sa third stanza para itala ang 75-50 kalamangan sa laban kung saan umaasam na masungkit ang insentibo na “Best Team In Asia” na magtutulak dito para makapasok sa 2020 Tokyo Olympics.  

Umabot pa ang bentahe ng Iran sa pinakamataas na 29 puntos 83-54 sa pagsisimula ng final frame na yugto.

Nanguna si Robert Lee Bolick Jr. para sa Gilas sa  15 points at 2 rebounds kasunod si Andrey Blatche sa  12 pts., 5 rebs., 5 assists, 2 steal at 1 block.  (Lito Oredo)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , , ,