66

Mar 19, 2020 @ 13:09
By

Ipot ng manok, bawal ipasok sa Benguet

Nagbaba ng Executive Order (EO) si Benguet Gov. Melchor Diclas ng ban order para sa mga papasok na dumi ng manok sa lalawigan para ipatupad ang preventive measure laban sa avian flu at coronavirus disease-2019 (COVID-19).

Sa EO-2020-018 na inisyu noong Martes, ay sinabing “an order suspending the entry of chicken dung effective Tuesday until further notice due to the threat of the 2019 coronavirus disease and avian flu.”

“The order cited Proclamation 922 pertaining to the local transmission of the Covid-19 and the government’s announcement of the laboratory results confirming that there is an outbreak of avian influenza H5N6, which can be transmitted to humans,” saad ng EO.

Ang dumi ng mga manok, ay isang “primary commodity” ng Benguet na bubuhay ng 80 hanggang 85 na pursiyento bilang gamit pataba ng kanilang gulay o high land vegetable.

“All kinds of vehicles transporting chicken dung for use as fertilizer in various farms within the province are hereby suspended effective today until further notice,” ayon sa EO.

Sinaad pa ng order ang pagbawalan ang mga truck at farm owner na magbiyahe ang kanilang truck na may dalang dumi ng manok papasok sa lalawigan ng Benguet.

“Kasama na sa quarantine ang chicken dung. Hindi na pwedeng pumasok ang chicken dung, pati na rin ang poultry ,” ani ng EO.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?