1,359

By

Ipon na P2K ng basurero dinonate sa Batangas

Bagama’t kapos din sa buhay, hindi nagdalawang-isip ang isang 71-anyos na basurero na magbigay ng tulong sa mga kababayan na nasalanta ng pagsabog ng Bulkang Taal sa Batangas.

Sa kabila ng kanyang edad, nangangalakal pa rin si Ben Garcia para sa anak na may special needs, ayon sa GMA News.

Kasama niya ang anak sa pag-iikot sa kanilang lugar upang maghanap ng makakalakal na pwedeng maibenta at mapakinabangan.

Kumikita siya ng P200 na sapat lang sa pangangailangan nilang mag-ama.

Nakakapagtabi naman daw siya ng pera kapag sinuwerte.

Nadurog daw ang puso ni Mang Ben nang mabatid ang kondisyon ng mga biktima ng Taal Volcano kaya ang naipon niyang P2,000 ay pinili na lang niyang ibigay sa mga taga-Batangas.

“Kawawa ang mga taong ito, tayo hindi naman tayo naapektuhan may naitabi akong konti. Kahit konti lang, dinonate ko na,” sabi ni Mang Ben.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?