70

By

Ipinaglalaban ng NPA laos na! – Roque

Sharing is caring!

Matagal nang napag-iwanan ang New People’s Army (NPA) kung ang pagbabasehan ay ang prinsipyong niyakap nila sa idolong si Mao Tse Tung ng China.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque wala na sa tono ang ipinaglalaban ng NPA dahil iba ang ipinaglalaban sa ginagawa.

Tinawag ng kalihim na laos na ang mga NPA at nagtataka kung bakit pinag-uusapan pa ang mga ito.

“Hindi ko alam kung bakit mainit ang usapin ng NPA. They are already in the Guinness Book of World Records as the longest insurgency on earth. Laos na ‘yan, kinakailangan mag-move on na rin sila. Imagine longest insurgency in the whole world.

“Yung China, natalo na ang Amerika sa kapitalismo, sila (NPA) Maoist pa rin, still seek to encirce the cities from the countryside. Hello, ang modelo ngayon i-develop ang countryside para magkaroon ng pangkalahatang pag-unlad. So talagang passe’ na at out-of tune na ang ipinaglalaban ng CPP-NPA,” ang sabi ni Roque.

Sinabi pa ng kalihim na iniwan na sila ng China dahil kapitalista na ang idol nila sa bansa na si Mao Tse Tung kaya laos na ang mga ito.

Ang nangyayari aniya ngayon sa mga NPA ay puro pangtatraydor dahil habang nakikipag-usap ang kanilang mga lider sa Norway ay pumapatay sila ng mga sundalo at inosenteng sanggol na wala namang kinalaman sa kanilang ipinaglalaban.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?