23

iPhones bumabagal habang tumatanda ang baterya – Apple

Sharing is caring!

Inamin ng Apple bumabagal ang performance ng mga iPhones lalo na kapag tumatagal o tumatanda na ang mga battery nito.

Ang pag-amin ay bunsod ng reklamo ng ilang users nito hinggil sa mabagal ng performance ng kanilang mga iPhones na matagal na nilang nabili.

“Our goal is to deliver the best experience for customers, which includes overall performance and prolonging the life of their devices,” sabi ng Apple spokesperson sa AFP.

“Lithium-ion batteries become less capable of supplying peak current demands when in cold conditions, have a low battery charge or as they age over time, which can result in the device unexpectedly shutting down to protect its electronic components.”

Ang Lithium-ion batteries ay karaniwang ginagamit sa mga mobile devicies at ang charging capacity nito ay madaling maubos habang ginagamit ang mga phones.

Noong 2016, ipinakilala ng Apple ang “smooth out” spikes para mapigilan ang iPhone 6 sa pag-shut down dahil sa mahinang battery nito.

Ang iPhone 6 ay unang inilabas noong late 2014.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?