31

Feb 28, 2020 @ 17:54
By

iPhone gamit sa bagong Lady Gaga video

iPhone 11 ang ginamit sa music video ng pinakabagong kanta ni pop diva Lady Gaga.

Pinatikim ng American singer-aktres ang “Stupid Love” noong isang araw, Pebrero 26, sa kanyang YouTube account. Sa description, nakalagay na
“shot entirely on the iPhone 11 Pro” ang video na directed by Daniel Askill.

Minarkahan ng “Stupid Love” ang comeback ni Gaga, matapos i-release ang huli niyang single na “The Cure” noong Abril 2017.

Bukod kay Gaga, iPhone 11 din ang ginamit sa Oktubre 2019 comeback ni Selena Gomez sa kantang “Lose You to Love Me.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?