212

Jun 28, 2019 @ 20:06
By

iPhone designer lalayas na sa Apple

Aalis na umano ang nag-design ng iPhone at iba pang produkto ng Apple nitong taon para magtayo ng sariling kompanya.

Ayon sa Apple, nagdesisyon si chief design officer Jonathan Ive na magtayo ng sariling design company na tatawaging “LoveFrom” na magbi-base sa California.

Sa kabila ng pag-alis, sinabi ng Apple na magtatrabaho pa rin si Ive sa ilang exclusive project nila.

Tatlong dekadang nagtrabaho sa Apple si Ive at isa rin siyang “world’s most esteemed industrial designers”.

Ilan sa pinangunahan niyang trabaho ang Macs, iPod, iPhone, iPad, Apple Watch at iba pa.

Kasama rin siya sa nag-design ng “spaceship” Apple Park campus ng kompanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?