46
Lacson
By

Ipatupad ang local government kaysa mag-federalism – Lacson

Sharing is caring!

Mariing sinabi ni Senador Panfilo Lacson na hindi na kailangan ng federalism para matupad ang decentralization at devolution ng kapangyarihan ng gobyerno.

Maaari na umano itong magawa kung ipatutupad lang nang husto ang Local Government Code.

Sa ngayon, isinusulong ng Malacañang ang pag-amyenda sa Konstitusyon para maisalin ang gobyerno mula sa unitary system ngayon tungong federal system.

Ayon kay Lacson, mahahati lang ang bayan sa itinutulak na federalism.

“If the objective is genuine decentralization and devolution, why revise the Philippine Constitution and divide the nation?” kuwestiyon ni Lacson.

“We only need to implement the Local Government Code and achieve the same purpose,” dagdag ng senador. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?