19

Apr 14, 2021 @ 18:50
By

Ion namaga paa, sinorpresa ni Vice ng PS5!

“Kapag malungkot siya, nalulungkot din ako. Siya ‘yung strength ko e.”

Sabi ito ni Vice Ganda kaya nagdesisyon siyang bilhan si Ion Perez ng PlayStation 5.

Sa latest episode ng kanyang YouTube vlog, ikinuwento ni Vice na napilay ang ankle ni Ion nang maglaro sila ng badminton.

Dahil dito, nakasaklay si Ion at hindi na muna maaaring gawin ang mga hobby niyang pagbibisikleta at paggi-gym.

Upang hindi raw mabagot kaya naisip ni Vice na regaluhan ang dyowa ng pagkakalibangan.

“Siyempre ‘pag mahal mo ‘yung tao hindi ka naman papayag na makita mong malungkot siya. Kasi hindi naman nagsasabi ‘yan e. Malungkot ‘yan, mararamdaman ko, makikita ko pero hindi niya sasabihin, hindi niya aaminin,” anang comedian.

Panoorin ang buong episode sa ibaba:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?