21

Jun 23, 2022 @ 17:01
By

Ion nagpamigay bigas, nagpa-feeding program sa Tarlac

Ibinahagi ni Ion Perez ang kanyang natanggap na biyaya sa mga kalugar sa Tarlac.

Sa YouTube vlog, mapapanood na umuwi si Ion sa kanilang lugar at nagsagawa ng feeding program.

Namahagi rin ito ng bigas sa 50 na pamilya. Bukod pa riyan, naglunsad din si Ion ng libreng gupit sa mga kalugar.

Ayon kay Ion, nagpapasalamat siya sa kanyang wifey na si Vice Ganda na naging sponsor sa mga ipinamahaging sampung sakong bigas.

Aniya pa, tumulong din umano si Vice para sa pagre-repack ng mga bigas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?