26

By

IOC/OCA representative sa POC polls tinalaga

Tinalaga na ang International Olympic Committee (IOC)/Olympic Council of Asia (OCA) representative na magsisilbing observer sa dalawang krusyal na pulong ng Philippine Olympic Committee (POC) tapos matanggap ang resolusyon na inaprubahan ng executive board ng pribadong ahensiya ng sports sa bansa.

Ayon sa sulat na ipinadala ng IOC/OCA na may petsang July 2, kinikilala na ang ipinadalang kopya ng resolusyon ng POC Executive Board para sa pagsasagawa ng Extraordinary General Assembly sa Hulyo 18 at ang kasunod na pagpupulong para sa eleksiyon ng mga nabakanteng puwesto sa Komite sa Hul. 28.

“We acknowledge, with thanks, receipt of the copy of the Resolutions adopted by the POC Executive Board on 8 July, as well as the notice for the POC Extraordinary General Assembly on 18 July 2019,” anang liham.

Ang magmamasid ay si IOC member Narinder Dhruv Batra. Siya rin ang maging tagaulat sa mga magiging kaganapan sa dalawang meeting.

Nakatakdang pag-usapan sa Hul. 18 ang mga nabakanteng puwesto sa POC Executive Board kung saan nagbitiw ang president (Victorico Vargas), chairman (Abraham Tolentino) at dalawang board members (Jesus Clint Saranas ng archery at Cynthia Carrion ng gymnastics).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?