406

By

Invited lahat! Angelica Panganiban magpapakain sa pagkapanalo ng Ateneo

Mukhang magiging totoo ang biro ni Kapamilya actress Angelica Panganiban na magpa-Mang Inasal sa oras na magkampeo ang Ateneo.

Nitong Sabado ay wagi ang Lady Eagles kontra UST Golden Tigresses, 25-17, 25-22, 25-22, para madala muli ang tropeo sa Katipunan.

At base sa naunang tweet ni Angelica, magpapakain umano ito kapag nagkampeon ang paboritong koponan.

Ilang sandali matapos ang paghayag sa Ateneo bilang kampeon, nag-tweet si Ange na tila pinapahayag na totoohanin ang birong pa-Mang Inasal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?