50
investment-scam
By

Investment scammer arestado sa Las Piñas

Sharing is caring!

Nasakote na ng Las Piñas Police ang isa sa mga opisyal ng isang lending corporation na umano’y investment scammer.

Sa report na natanggap ni Police Chief Superintendent Tomas Apolinario, hepe ng Southern Police District (SPD), dinakip si Ma. Lysa Soler, treasurer ng WAHANA Credit and Lending Corporation, sa Hall of Justice ng Las Piñas City kung saan dumalo ito sa pagdinig ng kinakaharap doon na kasong estafa.

Ang pagdakip dito kanina ay sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng isang regional trial court sa Muntinlupa City kung saan nahaharap din ito sa kasong estafa.

Sa talaan ng pulisya, may 105 nagreklamo laban kay Soler at iba pa nitong kasama sa umano’y investment scam.

Milyon-milyong piso umano ang kanilang nakuha mula sa mga pulis, sundalo, retirees at mga negosyante na pinangakuan na mabilis na lalago ang pera na ilalagak sa kanilang korporasyon.

Noong Pebrero, 11 opisyal ng kumpanya ang dinakip at kinasuhan ng syndicated estafa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }