17

Sep 13, 2021 @ 14:42
By

Investment sa bansa umaangat sa malinaw na batas sa pagbubuwis

Maganda umano ang naging pagtanggap ng mga negosyante sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act kaya tumataas ang foreign direct investment (FDI) sa bansa.

Ayon kay House Committee on Ways and Means chairperson at Albay Rep. Joey Salceda dahil sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act ay nakita ng mga mamumuhunan na maliit ang panganib na kanilang hinaharap sa paglalagak ng puhunan sa bansa.

“The certainty of investors that the Philippines is serious about business was demonstrated by our enactment of CREATE. We did a study that showed that tax uncertainty raises the investor hurdle rate by 2.3%. In other words, an investor projects the profit margin to have to be 2.3 percentage points higher before they invest in a country with tax uncertainty. That really dealt us in many key industries,” paliwanag ni Salceda.

Tumaas ang FDI net ng 60.4% o $833 milyon noong Hunyo 2021 kumpara sa kaparehong buwan noong 2020 ayon sa paunang datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Ito ay halos doble ng $433 milyon na naitala noong Mayo 2021.

“With CREATE, you know what you’re getting. With a tax incentives system that is summarized in the tax code, it becomes easier to see what you are eligible for. I was an investment analyst for much of my adult life, and what I can tell you is that the straightforwardness of tax policy is key for analyst recommendations to invest. CREATE made things simpler, fairer, and more efficient, and thus more attractive,” dagdag pa ni Salceda.

Kumpiyansa si Salceda na patuloy na lalawig ang pamumuhunan sa bansa kapag mas naging maayos ang pagpapatupad ng quarantine.

“The moment our quarantine regime becomes more predictable, you’ll see more interest in the Philippines. The future is still very bright for the country, but there’s plenty of business uncertainty, because our quarantine regime is still very fluid,” sabi pa ng solon.

Inirekomenda ni Salceda ang pagkakaroon ng mas simpleng community quarantine at mga kondisyon sa pagpapatupad nito upang mas matukoy ng mga negosyante ang kanilang dapat na gawin. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?