49

Apr 15, 2021 @ 15:10
By

Inuubos ng mga Chinese! Fish shortage sa ‘Pinas ibinabala

Nagbabala ang isang environmental group sa posibleng kakulangan sa isda sa bansa dahil sa labis-labis na pangingisda ng mga Chinese fishermen sa mga katubigan ng Pilipinas.

“The Chinese fishermen have been overfishing, depleting our marine resources,” sabi ng Homonhon Environmental Rescue Organization (HERO) sa isang pahayag.

Ang pinakamalala pa, anang HERO, ay ibinebenta pa ng mga Chinese ang kanilang nahuli sa mga mangingisdang Pilipino sa mas mataas na presyo

Sabi pa ng HERO, batay sa National Task Force for West Philippine Sea, nasa 240,000 kilo ng isda ang iligal na kinukuha sa mga katubigan ng Pilipinas kada araw.

Dagdag ng grupo, ang ginagawa na ito ng mga mangingisdang Tsino ay mas malala pa sa pananakop.

“This is actually worse than invasion. Wala nang makakain ang mga mangingisda natin. Gutom ang aabutin nila nang dahil sa mga Chinese,” giit ni Villardo Abueme, presidente ng HERO.

Kaya naman nanawagan siya sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na imbestigahan ang anila’y overfishing ng China sa mga katubigan ng Pilipinas

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?