123

Sep 23, 2021 @ 17:42
By

‘Inutil’ ni Madam Inutz pasabog sa YouTube

Inilabas na ang kantang “Inutil” ng viral online seller na si Madam Inutz o Daisy Lopez sa tunay na pangalan.

Pinusuan ng mga netizen ang music video, kung saan ipinamalas ni Madam Inutz hindi lamang ang talento niya sa pagkanta kundi ang husay sa paghataw.

Mala-K pop din ang datingan ng MV ng “Inutil” dahil sa makukulay na outfit ni Madam Inutz.

Humakot agad ito ng libo-libong views sa YouTube at positibo ang reaksyon ng mga netizen sa aniya’y catchy song ni Madam Inutz.

Shee A: “Pang international! Mala Meghan trainor ang MV at beat. Catchy! Magttrending ito! Congrats Madam Inutz. Another proof na walang imposible sa mundong ito. from nothing to a star. Ang ganda ng song at beat!”

Mark Tabelisma: “Grabe ang production, walang tapon. pinaghandaan talaga! ang galing!”

Suppasit Mew: “Super catchy ng lyrics at super good vibes rin ng whole MV. CONGRATULATIONS MADAM INUTZ.”

Panoorin ang music video sa ibaba:

(IS)

Attachments area
Preview YouTube video DAISY LOPEZ aka MADAM INUTZ – INUTIL (OFFICIAL MUSIC VIDEO)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?