561

By

Inutil na mayors tatanggalan ni Duterte ng kapangyarihan

Sharing is caring!

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga alkalde sa buong bansa na gawin ang kanilang trabaho kung ayaw ng mga ito na matanggalan ng kapangyarihan.

Sinabi ng Pangulo na dismayado siya sa performance ng mga alkalde dahil sa patuloy na pagtaas ng problema lalo na ang may kinalaman sa droga at lumilitaw na tila inutil ang mga ito dahil walang magawa para sa kaligtasan at kaayusan ng kanilang constituents.

Hindi aniya kailangan ng mga pilipino ang mga alkaldeng nakaupo lamang sa mga opisina at hindi kumikilos sa para sa kapakanan ng mamamayan.

Kapag aniya walang pagbabago sa trabaho ng mga mayors ay aalisin ng Pangulo ang kanilang kapangyarihan at ibibigay sa mga pulis para siyang magpatupad sa kanilang nasasakupan.

“I am not satisfied by the way they have responded to the problem. And I see that there has always been a rise in the municipalities throughout the Philippines. So those mayors who do not want to do their duty, hindi puwede yung ganon, if that is the way how you behave as a mayor you better go out. Di ibigay mo dito sa mga vice-mayor, marami sila naghihingtay,” anang Pangulo.

Ipinaalala ni Pangulong Duterte sa mga alkalde na sila ay deputies ng National Police Commission (NAPOLCOM) at kung wala rin lang naman pakinabang ay ipapagawa niya ang trabaho nito sa mga pulis.

“If ang mayor cannot enforce law and order in their municipalities, I will just withdraw his deputization. They are deputies of the Napolcom eh.They have the guidance and direction. Ngayon kung hindi ka….tatanggalin ko yan, yung power over the police, then they just sit there as a civilian. Kasi kung hindi ka magtrabaho, takot ka diyan sa mga durugista na yan, all you have to do is just tell me, sinong kalaban mo, sinong nagha-harass sa inyo… we will solve the problem together. Ako mismo pupunta doon, sabay tayo,” dagdagpa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?