30

Mar 24, 2020 @ 11:12
By

Inuming tubig pinamahagi sa Metro Manila

Pinadala na ng Office of Civil Defense (OCD) ang unang batch ng 43,000 SM bottled water para sa mga COVID-19 frontliner sa Metro Manila.

Pinangunahan ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDDRMC) Undersecretary Ricardo Jalad ang pagkasa sa kanilang pre-agreement sa United Nations Office of Disaster Risk Reduction (UNDRR) ARISE Philippines network at partner Nature Spring.

Ang ARISE ang Private Sector Alliance for Disaster Resilient Societies, ang DRR network ng mga private sector entity sa buong bansa.

UNDRR ARISE secretariat ang SM Prime, na pinamumunuan nina Executive Committee Chairman Hans Sy at lead partner nito na National Resilience Council (NRC).

Ang mga pre-agreement sa ARISE network ay mga pirmadong MOU sa pagitan ng pribado at pampublikong sektor na layong makatulong sa goods and services sa panahon ng kalamidad o krisis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?