37
stabbed
By

Inuman ng mag-bff, nauwi sa saksakan

Sharing is caring!

Nauwi sa saksakan ang masayang inuman ng magkakaibigang construction workers na kapwa nagkasayahan kasabay ng kapistahan nang mapikon ang isa at pinagsasaksak ang dalawang kaibigan, kamakalawa ng hapon sa Mandaluyong City.

Nagtamo ng saksak sa katawan ang mga biktima na sina Eduardo Ortega at Elorde Pagahid, nasa hustong gulang, matapos magkaroon ng mainitang pagtatalo habang kainuman ang isa pang kaibigan at katrabahong pikon na si Edgar B. Sale, 34-anyos.

Kasalukuyang nakakulong sa Mandaluyong detention cell si Sale matapos mapikon sa biruan habang nag-iinuman silang magkakaibigan bandang 5:45 Linggo ng hapon sa Macopa Compound, Gabbys St. sakop ng Barangay Pag-asa, Mandaluyong City.

Nabatid na nagkayayaan na uminom ang tatlo, kasama ang ilang katrabaho dahil sa kapistahan umano ng kanilang barangay at habang nag-iinuman ay nagkaroon ng kaunting biruan na ikinapikon ng suspek kaya ito nag-amok at sinaksak ang dalawang kaibigang biktima.

Agad nagresponde ang mga tauhan ng PCP 1 at agad na nalambat ang suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?