31
views
marikina-jail
By

Inuman nauwi sa rambulan: 1 kritikal, 4 kalaboso

Sharing is caring!

Kulong ang apat na kalalakihan matapos magtalo sa isang grupo ng magkakabarkada na nauwi sa pananaksak, kahapon ng madaling-araw sa isang bar sa Marikina City.

Nakilala ang mga suspek at kasalukuyang nakakulong sa detention cell sina James Quilaquil y Tante; Rodgar Tamayo y Barola; Amy Quilaquil y Petronio at Jun Quilaquil y Petronio, pawang mga nasa hustong gulang at residente ng Marikina City.

Batay sa report, naganap ang insidente bandang alas-12:20 ng madaling-araw sa isang bar sa Major Dizon St., Brgy. IVC, Marikina City habang masayang nag-iinuman ang mga suspek kasama ang biktimang si Joper Baligod y Montaya, nasa hustong gulang.

Ayon sa mga nakasaksi na sina Mark Anthony Rillorta y Casido at Melanie Cano y Cuales, biglang nagkaroon ng sigawan sa kabilang mesa na kung saan ay nag-away-away na ang magkakaibigan hanggang sa bigla na lamang bumulagta ang biktima.

Agad na dumating ang nagrespondeng pulisya at nadakip ang apat na suspek habang mabilis namang dinala sa Quirino Memorial Medical Center matapos magtamo ng dalawang saksak sa tagiliran na ngayon ay kritikal sa nasabing pagamutan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?