23
views

By

Interoperability confab, iginiit sa AFP, PNP

Sharing is caring!

Para maiwasan ang peligro ng friendly fire, nanawagan si Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel ng top-level “interoperability conference” sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Pimentel, kailangang palakasin ng AFP at ng PNP ang kanilang kakahayan na magsanay at magsagawa ng mga misyon katuwang ang isa’t isa.

“We have to enable our soldiers and police officers to effectively and safely operate with each other on the ground, especially in strife-torn provinces where we may have several forces constantly on the move,” sabi ni Pimentel.

“We have to avoid future cases of the left hand not knowing what the right hand is doing,” dagdag ng kongresista.

Kung magiging maayos ang interoperability sa ground, mas mapapabilis rin anya ang paghingi ng pulis at militar ng reinforcement sa bawat isa kapag nakahingi na ng clearance sa kanya-kanyang headquarters.

Ginawa ng kongresista ang pahayag kasunod ng nangyaring misencounter sa Sta. Rita sa Samar kung saan 6 na pulis ang nasawi.

Isinisi naman nito ang insidente sa “fog of war” dahil sa patuloy na bakbakan sa maraming lugar sa bansa.

“Sadly, we still have hostilities in the countryside. And where there’s warfare, there’s always the peril of confusion on the ground,” ayon kay Pimentel.

Itinutulak ni Pimentel ang pagbuhay sa Philippine Constabulary (PC), kung saan ang elite PNP Special Action Force (SAF) ang magiging unang batch ng mga opisyal, para labanan ang insurgency at terrorism.

Sa panukala ng mambabatas, kapag naibalik na ang PC, tututukan na lamang ng PNP ang mga ordinaryong krimen laban sa mga tao at ari-arian habang ang AFP ay sesentro naman sa paghahanda sa “potential foreign aggression.” ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?