20

Jul 20, 2021 @ 18:31
By

Internet ng ‘Pinas, bumilis noong Hunyo – Ookla

Bahagyang umangat ang ranggo ng Pilipinas pagdating sa world ranking ng bilis ng mobile at broadband internet nitong Hunyo, ayon sa Speedtest ng Ookla.

Sa inilabas na Ookla Speedtest Global Index report, nasa pag-75 na sa mundo ang bansa pagdating sa bilis ng mobile internet.

Mas mataas ito kumpara noong Mayo kung saan pang-77 lamang ang bansa sa listahan, na kinabibilangan ng 137 bansa.

Base sa report ng Ookla, 32.84 megabits per second (Mbps) ang average mobile internet download speed sa Pilipinas nitong Hunyo, na mas maganda ng bahagya kumpara sa 31.98 (Mbps) noong Mayo.

Samantala, pagdating naman sa broadband speed, pang-62 na sa 181 bansa ang Pilipinas, mula sa ika-65 na pwesto sa nakaraang report ng Ookla.

Nitong Hunyo ay pumalo sa 66.55 Mbps ang average fixed broadband speed na tumaas mula sa 59.73 Mbps noong Mayo.

Ang fixed broadband upload speed naman ay umangat mula 57.40 Mbps noong Mayo sa 66.86 Mbps nitong nakaraang buwan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?