By

Internet bibilis sa pagpasok ng 3rd player sa telco industry

Sharing is caring!

Tiyak umano ang malaking pakinabang ng publiko kapag pumasok ang Chinese investors sa industriya ng telekomunikasyon sa bansa.

Ayon kay Senate President Aquilino “Koko” Pimentel, magkakaroon na ng kakumpetensya ang dadalawang telecom firms ngayon kaya inaasahang makikipagpaligsahan ang dalawang ito ang serbisyo at presyo.

Una nang inihayag ng Malakanyang na inimbitahan ni Pangulong Duterte ang China na magpapasok dito sa bansa ng telecom firm para mabasag ang duopoly ngayon sa telco industry.

Ayon kay Pimentel, sakto ito sa kailangan ng bansa na matagal na raw hostage at nagtitiis sa dalawang telco na kapos ang serbisyo, tinutukoy ang PLDT Smart at ang Globe.

“The absence of alternatives has numbed us to the reality of poor network coverage, dropped calls, disappearing loads, lost text messages, and slow data or internet speeds. This should be unacceptable; our countrymen deserve better,” diin ni Pimentel.

Kapag may papasok na Chinese firm, may 45 araw ang gobyerno para kilatisin ang kanilang proposal.

Obligado naman ang Chinese firm na kumuha ng partner na Filipino company dahil utos ng Konstitusyon na hanggang 40 percent lang ng negosyo ang puwedeng maging pagmamay-ari ng mga dayuhan. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?