49

Apr 22, 2021 @ 12:32
By

International na! Timor Leste naglunsad ng community pantry

Hindi lang sa Pilipinas madarama ang ‘bayanihan spirit’ sa kabila ng COVID-19 pandemic.

Binahagi ni vice consul Laser Sumagaysay ang unang community pantry na itinayo sa Timor Leste, isang bansa na parte rin ng Southeast Asia.

Ayon kay Sumagaysay, naisipan nilang magsimula ng pantry sa Timor Leste dahil sa epekto ng COVID-19 lockdown, pati na rin ang nangyaring matinding pagbaha sa munisipalidad ng Dili, kung saan aabot sa 45 katao ang nasawi ayon sa report ng Relief Web.

“I took the opportunity to discuss with some Timorese friends and diplomats about the concept of “bayanihan” and particularly showed them photos of #communitypantry set-ups in Ph to which they gained much interest,” saad ni Sumagaysay.

“Colleagues and I, in our private capacities, are now supporting Timorese organizers as they launched their own (and the very first one) in TL.”

Unang nagsimula ang konsepto ng community pantry mula kay Ana Patricia Non nang magtayo ito ng stall sa Maginhawa, Quezon City kung saan maaaring kumuha ng makakain ang sinumang nangangailangan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?