31
dr-scott-halstead
By

International health expert, pinabulaanan ang findings ng PAO

Sharing is caring!

Hindi basta-basta sa simpleng autopsiya mapapatunayan kung may kinalaman ang Dengvaxia sa pagkamatay ng mga batang nagka-dengue, ayon sa international health expert na si Dr. Scott Halstead.

Ginawa ni Halstead na pahayag bilang reaksiyon sa pagsasagawa ng (PAO) ng awtopsiya ng mga bangkay ng mga batang nagka-dengue kung saan natuklasan nila na nagkaroon ng viscerotopy at neurotropy – mga kondisyon na maihahalintulad sa kaso ng yellow fever.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate blue ribbon committee sa Dengvaxia controversy, sinabi ni Halstead na mahaba at kritikal ang proseso ng pagsusuri bago mapatunayan na may kinalaman nga ang Dengvaxia.

Aniya, hindi basta simpleng proseso ng awtopsiya kagaya ng ginawa ng PAO at hindi rin basta maiuugnay ang viscerotopy at neurotropy sa Dengvaxia vaccine.

Samantala, binanggit din ni Halstead ang kahalagahan ng vaccination o pagbabakuna at ang pangangailangan ng pagdevelop ng booster dose para sa pagsugpo ng dengue.

Samantala, sinabi din ni Halstead na nagulat siya na nagulat siya na ituloy pa rin ng gobyerno ang mass immunization ng Dengvaxia sa mga batang may edad na siyam pataas.

Giit nito, dapat umanong nagsagawa muna ng blood test bago sinimulan ang pagbabakuna sa dengue gamit ang Dengvaxia vaccine.

Nakipag-usap din umano siya sa Sanofi noon at sinabing ligtas ang ‘seropositive’ o iyong mga taong dati nang tinamaan ng dengue infection.

Ang ‘seronegative’ naman ay iyong mga indibidwal na hindi pa nagkakaroon ng dengue.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?