26
sandiganbayan1
By

International cruise ng may-ari ng Manor Hotel, aprub sa Sandigan

Sharing is caring!

Pinayagan ng Sandiganbayan sina William at Rebecca Genato, may-ari ng Manor Hotel na sumakay ng barko para sa 6 na araw na cruise sa Japan at Taiwan.

Sa dalawang pahinang resolusyon, sinabi ng anti-graft court Seventh Division na walang indikasyon na tatakas ang mag-asawa dahil sa Pilipinas rin magtatapos ang kanilang biyahe.

“While the prosecution opposed the motion for reconsideration, the Court has verified that indeed no visas are being required for the shore excursions to Taiwan and Japan. This being the case, and considering that the cruise will be starting and ending in Manila, the Court perceives no great risk that accused-spouses will not return from their cruise,” saad sa resolusyon.

Pinagbabayad ng korte si William ng P120,000 na travel bond, at P60,000 para kay Rebecca.

Pinagsusumite rin sila ng itinerary ng biyahe na dapat ang sakop lamang ay Ishigaki, Japan, at Keelung, Taiwan mula May 29, 2018 hanggang June 3, 2018.

Nahaharap sa kasong graft ang mga Genato dahil sa pagkasunog ng Manor Hotel noong August 2001 kung saan 74 katao ang namatay. Napag-alamang walang business permit ang hotel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?