Binawasan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang interest rates nitong Huwebes.
Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, babawasan ng 25 basis points (bp) ang benchmark interest rates epektibo sa Biyernes.
Ito umano ay dahil sa “manageable” inflation outlook.
Ginagamit ang interest rates na itinatakda ng BSP bilang benchmark ng mga bangko at iba pang financial firms sa pagtatakda ng loan at deposit rates.