By

Interconnection fee ng telcos, ipinatitigil Lacson

Sharing is caring!

Iginiit ni Senator Ping Lacson na pagbawalan ang mga telecommunication company (telco) na magpataw ng interconnection fees.

Ayon kay Lacson, alang-alang ito sa mga cellular phone users na marami ang binabayaran sa telco.

Iminungkahi ni Lacson na ipaloob ang probisyon ukol dito sa panukalan Lifetime Cellphone Number Act o Senate Bill No. 1636 na inakda at idinedepensa ni Senador Sherwin Gatchalian sa plenary debates.

Sinabi ni Lacson na bukod sa P7.50 na binabayaran ng cellphone user kapag tumawag sa ibang network, may bukod na P2.50 na binabayaran bilang interconnection fee sa tawag at P0.15 sa text messages o short messaging service (SMS).

Napakalaki na umano ng kita rito ng mga telco dahil ipinapataw ang interconnection fee sa bawat minuto ng tawag sa cellular phone (cellphone).

Noong nakaraang taon, P806.9 milyon umano ang kinita ng mga telco sa intercnnection fees na .82% lang o katiting lang ng kanilang total operating revenue na P98.35 billion.

Tinanggap naman ni Gatchalian ang mungkahi ni Lacson.

Ipinasasabatas naman ni Gatchalian na magamit ng cellphone user ang katulad na cellphone number kahit lumipat ng telco.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?