11

Sep 23, 2020 @ 21:58
By

Intensidad ibabalik ng Miami – Butler

Pagkatapos ng dominanteng first two games, kinulang ng intensidad ang Miami Heat sa Game 3 kaya nakabawi ang Boston Celtics at dinikit ang East finals sa 2-1.

Hinamon ni Jimmy Butler ang mga kakampi na gumising at ibalik ang intensidad para agawin ang momentum sa Game 4 ngayon.

Mula kay Rachel Nichols ng ESPN:

“We didn’t play hard enough, or do anything we set out to do,” giit daw ni Butler. “Now we’ll really see what we’re made of.”

Naglunsad ng late comeback ang Miami pero naubusan ng oras at napreserba ng Boston ang 117-106 win.

Nagkasya lang sa 17 points at 8 rebounds si Butler. Namuno sa Heat ang 27 at 16 ni Bam Adebayo, nag-ambag ng 22 off the bench si Tyler Herro. Nalimitahan sa 11 points si Goran Dragic.

Nagtagumpay ang Heat sa comeback sa unang dalawang laro, nabigo na sila sa pangatlo.

Hindi anila p’wede laging ganu’n laban sa subok na ring Boston squad na may Jayson Tatum, Kemba Walker, Marcus Smart at Jaylen Brown.

Pipiliting bumawi ng Miami para lumapit sa unang NBA Finals trip sa nakalipas na anim na taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?