63

Oct 15, 2017 @ 18:19

Intel ni Duterte sa destab plot, taga-oposisyon – Mayor Sara

Ibinunyag ni Davao City Mayor Sara Duterte na galing mismo sa mga tanggapan ng mga kalaban ni Pangulong Rodrigo Duterte ang impormasyon ng umanoy nilulutong destabilisasyon laban sa gobyerno.

Sinabi ng anak ni Pangulo na galing sa mga tanggapan ng mga taong may koneksiyon sa oposisyon ang intelligence report ng destabilisasyon na ipinarating sa kanyang ama.

Hindi aniya paranoid ang Presidente tulad ng nais palitawin ng oposisyon  kaya nagbanta ito na magdedeklara ng revolutionary government.

Sinabi ni Mayor Sara na mayroong mga tao sa bawat tanggapan ng mga taong identified sa opposition na siyang  nagbigay ng impormasyon sa mga pinaplano ng  mga ito.

“All his destabilization claims are from intel reports and reliable sources from inside the offices of the people identified with the opposition,” pahayag ni Mayor Sara.

Nauna rito ibinunyag ng Presidente ang tangkang pagpapabagsak sa kanyang administrasyon ng ilang grupo kasama na ang US Central Intelligence Agency, oposisyon,  mga oligarch at kilusang komunista. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?