67

Dec 3, 2017 @ 14:59
By

Integridad ng election documents, tiniyak ng Comelec

Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) ang integridad ng mga dokumentong nasa kanilang pangangalaga sa gagawin nilang paglilipat ng tanggapan.

Nakatanggap na kasi ang Comelec ng “notice to vacate” mula sa Intramuros Administration.

Ibig sabihin, kailangan nang lisanin ng Comelec ang inookupahan nitong mga palapag sa Palacio del Gobernador dahil umano sa isyu ng structural integrity.

Sa isang pahayag, sinabi ni Jimenez na magiging maingat ang poll body sa pagsunod sa mga rekisito para matiyak ang integridad ng mga dokumento na nasa kanilang pangangalaga.

Ginawa ni Jimenez ang pahayag bilang tugon sa pagkabahala ng mga partido na may nakabinbing election protest.

“The Comelec has always been very careful to observe all requirements relating to the preservation of documents in its care, to the giving of due notice to the parties, and to the protection of the people’s sovereign vote,” paliwanag ni Jimenez.

Hindi umano magiging dahilan ang paglilipat ng tanggapan para makompromiso ang integridad ng mga election document.

“When the time cimes for the Comelec to move, the public can be assured that the transfer will be accomplished smoothly and with all protections given to the contending parties, intact,” pagtatapos ni Jimenez. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?