16

Aug 8, 2020 @ 10:17
By

Instant bucket! Clarkson humiga sa ere

Kung naglalakad sa ere ang trademark ni Michael Jordan, may pantapat naman dito ang Fil-Am guard na si Jordan Clarkson.

Bumilib ang mga team mate sa Utah Jazz kay Clarkson sa kanyang tira kontra sa depensa ng San Antonio Spurs.

Sa social media, binahagi kung papaanong tila mapahiga sa ere ang 28-years old hooper para isalpak ang isang layup.

Tuloy, ang kanyang mga kasangga na sina Royce O’Neal at Donovan Mitchell ay napamangha ni Clarkson.

Sa nasabing laro, top scorer si Clarkson na bumuhos ng 24 points, four assists at two rebounds galing sa bench.

Bigo naman ang Utah sa iskor na 111-119 matapos pagpahingahin ang kanilang mga starter na sina Mitchell, Rudy Gobert at Mike Conley.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?