30
Instagram may bagong feature vs online bullying
Jul 9, 2019 @ 18:13
By

Instagram may bagong feature vs online bullying

May bagong feature sa Instagram na target mapuksa ang online bullying sa kanilang platform.

Sa bagong tool ng IG, maglalabas ng “warning” ang artificial intelligence para sabihan ang users kung ang comment nila ay maikokonsiderang “offensive” bago ito i-post.

Sa paraang ito umano, mabibigyan ng pagkakataon ang netizen na isipin muna bago ipadala ang kanilang comment at maiiwas din ang recipient na makatanggap ng masasakit na komento.

“From early tests of this feature, we have found that it encourages some people to undo their comment and share something less hurtful once they have had a chance to reflect,” wika ni Adam Mosseri, head ng IG na pag-aari ng Facebook.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?