29

Nov 23, 2021 @ 13:26
By

Insidente sa Ayungin Shoal pinaiimbestigahan sa Kamara

Naghain ng resolusyon ang Makabayan bloc upang paimbestigahan sa Kamara de Representantes ang nangyari kamakailan sa Ayungin Shoal kung saan hinarang umano ng barko ng China ang dalawang bangka ng Pilipinas na nasa isang supply mission sa loob ng Exclusive Economic Zone ng bansa.

Sa House Resolution 2370 iginiit ng mga mambabatas na dapat kondenahin ng Kamara ang pangyayari na isa na namang pagyurak sa karapatan ng bansa sa teritoryong inaangking ng China.

“It is the duty of Congress to ensure that our territorial integrity is intact, local and international laws be honored and recognized, and more importantly, the safety and economic rights of our people are protected and ensured,” sabi sa resolusyon.

Ang pangyayari ay isa umanong manipestasyon ng tumitinding agresyon ng China sa pag-angkin sa mga teritoryo na dapat ay pinakikinabangan ng mga Pilipino.

“The government’s cowardly stance and failure to uphold the country’s own valid and rightful claims in these waters have further emboldened China to conduct itself like an imperial hooligan in the Philippine’s own territory,” sabi pa sa resolusyon.

Kung nagawa umano ng Taiwan, Vietnam, Indonesia at iba pang bansa na labanan ang China ng hindi nagkakaroon ng gera, sinabi ng mga mambabatas na dapat ganito rin ang gawin ng Pilipinas.

“Whereas, the Duterte administration’s ‘kneel or war’ policy in dealing with China comes as a thin veil to cover-up his apparent servility to an imperialist power, like China,” saad pa sa resolusyon. (Billy Begas)

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?