231

Dec 27, 2017 @ 14:04
By

Insidente ng iligal na pagpapaputok ng baril, nadagdagan pa

Umaabot na sa 14 na insidente ng iligal na pagpapaputok ng baril ang naitala ng Philippine National Police (PNP).

Batay sa monitoring ng PNP kaugnay sa kanilang Ligtas Paskuhan 2017, naitala ang indiscriminate firing sa NCR, Regions 1, 2, 5, 7 at ARMM.

Kabilang sa mga naaresto ay pulis, sekyu, kagawad at sibilyan.

Tatlo naman ang nasugatan dahil sa indiscriminate firing sa NCR at Regions 3 at 5.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?