9

Jan 6, 2021 @ 16:08
By

‘Inside job’ angle sa pag-hack ng credit card ni Win sisilipin

Hindi isinasantabi ni Senador Sherwin Gatchalian ang posibilidad na may ‘insider’ na maaaring sangkot sa pag-hack ng kanyang credit card.

“I don’t rule that out. In fact, I don’t rule out na may coercion ito. I don’t rule out na mayroon itong insider cooperation,” pahayag ni Gatchalian sa online interview ng mga reporter.

“Puwedeng sa FoodPanda, puwedeng sa bangko, puwedeng sa iba pa. We need to investigate this,” dagdag pa nito.

Martes ng umaga nang ihayag ni Gatchalian na na-hack ang kanyang Union Ban credit card at nakagawa ang hacker ng P1 milyon transaksiyon na food delivery sa Food Panda.

Agad naming pinutol ng bangko ang kanyang credit card matapos itong iulat sa kanya at nagsasagawa na rin ng imbestigasyon hinggil sa insidente.

Sabi pa ng senado, maghahain din siya ng reklamo sa pulis nang sa gayon ay matukoy ang hacker.

“Talagang lumobo ang online transaction—buying, selling, food, gamit, shopping. Marami talaga kaya nakita ng hackers na this is the way,” sabi pa ni Gatchalian.

Sabi pa nito, ito ang unang pagkakataon na na-hack ang kanyang credit card.

Hindi na bago ang pag-hack sa credit card ng pamilya Gatchalian.

Ayon sa kapatid na si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, noong Enero 2019 ay na-hack din ang kanyang credit card subalit agad naman napigilan.

“Isang beses lang na-hack. Maliit lang ang nawala. Charged mga 5 to 6 times na tig-$1. Half day lang na-stop,” sabi pa ng alkalde sa kanyang text message sa ABANTE.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?