68

By

Insentibo nakuha na ni EJ Obiena

Nakuha ni Ernest John Obiena ang P1.65M insentibo mula sa Philippine Sports Commission (PSC), Martes ng gabi sa parangal sa kanya kasama sina Nesthy Petecio ng boxing at Carlos Edriel Yulo ng gymnastics.

Kabilang sa pabuya ang pagwawagi ng gold medal sa 30th Summer Universiade 2019 sa Naples, Italy na nagkakahalaga nang P1M at pagbura sa Philippine men’s pole vault record na 5.76-meter buhat sa 5.71 na nagkakahalaga nang P50,000.

Ang medalyang ginto niya sa 23rd Asian Athletics Championships 2019 sa Doha, Qatar ay P500,000 at dagdag na P50,000 mula sa pagbura sa record niyang 5.61 pa-5.71.

Ang huling P50,000 ay ginawad ng PSC dahil sa pagwasak sa kanyang national record at tuluyang pag-qualify sa 2020 Tokyo Olympics kahit na pumanlima lang sa 5.81 sa XXXIII Salto de Asta in Piazza Championship sa Chiara, Italy.

“Sports can be brutal for us athletes, considering the trials, the ups and downs. We lost a lot before we could win. But still, everyday is a challenge for us all, we are happy that despite being a lowly country, the world has recognized us and that we, Pilipinos, actually exist,” ani Obiena.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?