130

By ,

Inoue nirerespeto pero gusto upakan ni Nonito

Matapos pabagsakin ang substitute na si Stephon Young sa semifinals ng World Boxing Super Series bantamweight tournment via sixth round knockout, gusto ni Nonito Donaire na makaharap sa Finals si Naoya Inoue.

Maghaharap sa kanilang semifinals bout sina Emmanuel Rodriguez at Naoya Inoue ngayong Mayo 18 sa Glasgow, Scotland at kung sinuman ang manalo dito ay makakaharap ni Donaire sa Finals.

Ayon kay Donaire, parehong magaling ang dalawang fighters pero mas gusto niya subukan ang tinuturing na malakas ngayon sa 118 lbs na si Inoue.

“Both guys (Rodriguez and Inoue) are amazing, but there was an unspoken thing with me and (Inoue), and how much I respect him, and I love Japan, as well,” sabi ni Donaire sa panayam ng BoxingScene.com. “There was an unspoken respect and a goal between me and Naoya Inoue that we were going to go to the finals.”

Naging maganda ang pagbabalik ng 36-anyos na si Donaire (40-5 26 KOs) sa bantamweight matapos lumaban sa 122 at 126 na weight-classes mula 2012 hanggang 2018.

Magiging kapana-panabik ang laban kung sakaling makaharap ni Donaire si Inoue (17-0, 15 KOs), na kanyang susuportahan hanggang sa makalusot ito sa finale ng world series.

“That’s where I’m gonna be supporting him to get to the final so we can face off with each other,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?