55
Inosente pa! Palasyo dinepensa ang endorso ni Digong kay Jinggoy
By

Inosente pa! Palasyo dinepensa ang endorso ni Digong kay Jinggoy

Suportado ng Malacañang ang pag-endorso ni Pangulong Rodrigo Duterte kay senatorial hopeful Jinggoy Estrada, sinabi na hindi pa napapatunayan na nagkasala ang huli.

Sa press briefing sa Palasyo, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na inosente pa sa mata ng korte si Estrada kaya’t wala itong nakikitang mali kung suportahan ang tatakbong senador ni Duterte.

“Number one, former senator Estrada is charged with corruption and the Constitution says unless you are convicted with a final judgment, you are presumed innocent. So the assumption is Estrada is innocent,” ayon kay Panelo.

“Number two, he’s been granted bail. And the reason for the court’s grant of probational liberty is anchored on the fact that evidence of guilt is not strong,” dagdag pa niya.

Isa si Estrada sa mga nakasuhan dahil sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam, na nakalaya matapos payagang magpiyansa.

Ani pa Panelo, hindi umano basta basta naniniwala ang Pangulo sa mga report na korap ang isang opisyal, dumadaan muna sa imbestigasyon bago ito magpataksik sa pwesto.

“Before he fires people pinapaimbestiagahn na niya agad. Hindi naman ‘yung sinabi lang na ‘Presidente corrupt ‘yan’, ‘he’s fired’, hindi naman ganun ang Presidente. You must remember that he’s a lawyer, he’s been trained to evaluate evidences presented before him,” pakli ng presidential spokesperson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?