13

By

#InMyFeelings dance version ni Rondina, kinabiliban ng netizens

Sharing is caring!

Matapos ang pagsabak sa Philippine Superliga (PSL) Invitational Conference ng tinaguriang ‘Cherry Bomb’ ng Philippine volleyball na si Sisi Rondina, inaliw naman nito ang ilang netizens sa kanyang bersyon ng #InMyFeelings challenge.

Hindi nagpahuli ang PSL – Invitationals 2nd Best Outside Spiker sa nauusong #InMyFeelings dance challenge at nag-post ito sa kanyang Twitter account ng sarili niyang bersyon.

Maraming netizens ang naaliw sa ginawa ni Rondina, aniya parang hindi napapagod ang manlalaro at tila hindi ito nauubusan ng lakas.

Sabi ni @happiness4813 “I love you idol! IKAW PA RIN ANG BEST VOLLEYBALL PLAYER KO.”

Saad naman ni @maria_o04: “So cute. Galing mo sisi. Di talaga nauubusan ng energy.”

Hindi rin nagpahuli si @fardinanavarro1 at sinabi na “Haha d lang sa volleyball magaling si idol pati sa s sayaw, congrats idol diman kayo nag-champion d’ best p rin ang team petron.”

Nagpaalala din ang isang netizen na si @Pinopojo na “Pinagbabawal na po ng MMDA iyan. Delikado nakakamatay.”

Sa ngayon ay may halos 17.8 libong views na ang video ni Rondina. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?