60
Inmate na binigyan ng clemency ni Obama, nakapasok sa dean's list
Jul 15, 2019 @ 14:10
By

Inmate na binigyan ng clemency ni Obama, nakapasok sa dean’s list

Binati ni dating US President Barack Obama ang dating bilanggo na pinagkalooban niya ng clemency matapos nitong mapasama sa dean’s list sa Southern University.

Idinaan niya sa handwritten note ang pag-congratulate kay Danielle Metz, na nag-aral ng social work matapos niyang makalaya.

Taong 1993 sa edad na 26, nahatulan si Metz ng tatlong life sentences at dagdag pang 20 taon para naman sa kasong may kinalaman sa droga dahil sa cocaine trafficking ring ng kanyang asawa.

“You don’t know what you did for me. I’m finally coming into my own. I made the honor roll,” sabi ni Metz sa sulat kay Obama.

Sinagot ito ng sulat ni Obama na lumabas sa USA Today.

“I am so proud of you, and am confident that your example will have a positive impact for others who are looking for a second chance. Tell your children I say hello, and know that I’m rooting for all of you,” sabi sa sulat ni Obama.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?