By

Inmate inatake sa Araw ng mga Puso

Sharing is caring!

Atake sa puso ang hinihinalang dahilan ng pagkamatay ng isang matandang detenido sa Pasay City Jail.

Base sa ulat, isang kakosa ng 64-anyos na si Arturo Cruz ang nakapansin na hirap ito sa paghinga at hinihimas ang dibdib bago ito biglang nangitim.

Agad na tumawag ng saklolo ang detenido sa mga jail officers.

Isinugod si Cruz sa Pasay City General Hospital ngunit idineklara itong dead on arrival.

Wala pang pahayag ang pamunuan ng Pasay City Jail hinggil sa insidente at wala rin komento sa medical records ni Cruz.

Tinataya na 50 porsiyento na overcrowded ang naturang kulungan, kung saan kabilang sa mga detenido si dating Customs Comm. Nicanor Faeldon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?