64

Sep 30, 2017 @ 13:11

Injury umepal sa DWade, LBJ reunion

CLEVELAND — Naglalakad si Dwyane Wade habang inaalalayan ang napilayang si LeBron James.

Kaya hindi naging masigabo ang simula sa celebrated reunion ng magkaibigan.

Natapilok si James sa practice nila noong Miyerkules, unang workout niya kasama si Wade na pumirma sa Cavaliers para habulin ang isa pang championship kasama ang best friend.

Negative naman ang X-rays ni James.

Hindi nakaensayo ang three-time NBA champion nitong Huwebes, day-to-day ang lagay dahil hindi pa batid ang lalim ng injury ni James.

Sinabi niya noong Miyerles na nanginginig siya sa tuwa na muling makalaro si Wade, ang teammate niya sa apat na taon sa Miami Heat.

Kumopo sila ng dalawang NBA titles na magkasama noon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?