16

By

Injury ni volley star Carlos, noong UAAP pa – Okumu

Sharing is caring!

Ibinuking ni University of the Philippines Lady Fighting Maroons coach Godfrey Okumu na noong UAAP pa may nararamdamang sakit ang kanilang star player na si Diana Mae Carlos.

“She experienced the pains actually when we were playing in the UAAP. We just took it for granted,” ani Okumu pagkatapos ng kanilang pagkapanalo kontra Arellano University Chiefs, 25-22, 25-21, 22-25, 25-19.

Pagkatapos ng UAAP, naglaro pa si Carlos para sa Foton Tornadoes sa 2018 PSL Grand Prix.

Inamin ni Okumu na sinabihan nila si Carlos na ipagpag lang muna ang sakit hanggang sa magpunta sila sa mga doktor.

“She has another two weeks, depending on the results. Now, she’s not supposed to jump yet,” dagdag ni Okumu.

Nami-miss na ni Okumu ang serbisyo ni Carlos, na nagsilbing team captain ng Lady Maroons noong UAAP Season 80.

“We miss her services a lot. It is also a challenge to our team how can we hold ourselves without our team captain,” dagdag niya.

Hindi na muna sinama ni Okumu si Carlos ngayong PVL Collegiate Conference dahil gusto nilang respetuhin ang abiso ng mga doktor.

Nasa ika-apat na puwesto ang UP, na mayroong 1-0 kartada. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?