75

By

Injury ni Molde, hindi malala – Okumu

Kumpiyansa si University of the Philippines head coach Godfrey Okumu na hindi ganon kaseryoso ang injury ng ace player na si Isa Molde.

“What I know is she’s gonna be fine. It’s nothing serious. But what we don’t know is how long she’s gonna stay out,” ayon kay Okumu.

Tingin ng UP mentor, tanging sprain lajg ang tama ni Molde at hindi malala.

“She’s going for X-rays, then after the X-rays we’ll be able to talk further about it. Probably, I think it should be a sprain on the ankle. Nothing on the knee,” ayon pa kay Okumu.

Kaya naman siya’y umaasa kay Marian Buitre na mag-step up para mapunan ang espasyo ni Molde.

“She’s capable of doing wonders, she will give us a lot of strength that we’ve been waiting for,” pakli niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?