250

Oct 8, 2021 @ 22:47
By

Iniwan sa ere LP? Leni nagpaliwanag sa pagtakbong independent

Sinabi ni Vice President Leni Robredo na kaya siya tumakbong independent presidential candidate dahil bukas siya sa pakikipag-alyansa sa ibang partido.

Nilinaw din niyang hindi siya nagbitiw bilang chairman ng Liberal Party (LP).

“Running for independent is our symbolic way of showing na bukas kami sa pakikipag-alyansa sa maraming mga partido, na ‘yung aming isinusulong na inclusivity. ‘Yung sinimulan namin na pakikipag-usap kahit hindi bahagi ng partido,” paliwanag niya.

“‘Yung pagkakandidato naman para sa pangulo ay hindi para sa partido, pero para sa pagkakaisang-lakas ng sambayanan,” patuloy niya.

Kahapon naghain ng kanyang certificate of candidacy si Robredo para tumakbong pangulo ka-tandem si Senador Kiko Pangilinan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: