102

Mar 8, 2020 @ 21:36
By

Init sa Metro Manila, umabot sa 35°C

Naranasan ang 35°C sa Metro Manila, na pumalo pa ang heat index sa 39°C, ayon sa Pagasa nitong Linggo.

Base sa datos ng Pagasa, ang nasabing init ng temperatura ay na-record bandang alas-3 ng hapon.

Ang pag-init ng klima ay dulot umano ng northeast monsoon, o Amihan, na humina kaya’t mas nangingibabaw ang mainit na hanging sa Pilipinas.

Inaasahan na mas uminit pa ang temperature sa kalagitnaan ng Marso hanggang sa umabot sa Abril, ayon sa weather forecaster ng Pagasa.

Samantala, sa Tuguegarao ay umabot din sa 35°C ang temperatura.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?