83

Jul 30, 2018 @ 18:28
By

Init ng ulo nina Arwind, Chris nagpagana sa SMBeermen

Dalawa sa players ni Leo Austria ang ejected sa 134-109 Game 2 win ng San Miguel Beer kontra Ginebra sa PBA Commissioner’s Cup Finals Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum, senyales daw iyon na buo ang loob ng kanyang players para ipagtanggol ang korona.

Katunayan, suportado pa ng SMB ang laro nina Arwind Santos at Chris Ross.
Sa pisikalang laro, ejected si Santos sa 5:18-minute mark nang mapituhan ng flagrant foul 2 matapos banggain ng balikat si Scottie Thompson na tumiklop sa sahig nang tamaan sa dibdib.

Walang 15 seconds ang nakalipas, si Ross naman ang napatalsik nang makuha ang pangalawang technical dahil sa pakikipagsagutan kay Joe Devance na nabigyan din ng T.

“I cannot blame them, and we will support them because of the intensity and that’s what we want from them,” ani Austria. “But then, the next time they should be smart, at dahil technical, baka ma-fine sila d’yan.”

May epekto raw sa team ang nangyari, pero sa magandang aspeto.

“They want to show their teammates na they are out there to fight,” dagdag ni Austria, 6 for 6 sa Finals. “Pero sabi ko nga, they have to be smart. We can’t afford to have those technicals sa game, buti na lang malaki lamang namin.”

Nang ma-eject ang dalawa ay malayo na ang SMB 119-99.

Nakabawi ang Beermen mula sa 127-99 loss sa opener, naibuhol sa 1-1 ang best-of-seven series at babalik para sa Game 3 bukas sa Big Dome din. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?